Filipino

From The Joel on Software Translation Project

Jump to: navigation, search

User Interface Design para sa mga Programmers

   Chapter 1
   Chapter 2
   Chapter 3
   Chapter 4
   Chapter 5
   Chapter 6
   Chapter 7
   Chapter 8
   Chapter 9

Fire And Motion 2002-01-06

Kapag nasa flow ka ay hindi na mahirap na ituloy ito. Marami sa mga araw ko ay ganito: (1) papasok sa trabaho (2) check ng email, basa sa web, atbp. (3) mananghalian muna bago magtrabaho (4) babalik mula sa panananghalian (5) check ng email, basa sa web, atbp. (6) magdesisyong magsisimula na (7) check ng email, basa sa web, atbp. (8) magdesisyon ulit na kailangan ko na talagang magumpisa (9) magbukas ng sinusumpang editor at (10) magsulat ng code ng walang-tigil hanggang sa hindi ko na namamalayan na 7:30 na pala ng gabi.

Sa pagitan ng step 8 at step 9 ay tila may bug, dahil hindi ko parating nalalampasan ang bangin na iyon.

Ang Joel Test: 12 Hakbang Para Sa Mas Maayos na Code 2000-08-09

Narinig mo na ba ang SEMA? Ito ay medyo mahiwagang sistema para sukatin kung gaano kahusay ang isang software team. Aabutin ka ng mga anim na taon para lang maintindihan iyan, kaya gumawa ako ng aking sariling test, na sobrang iresponsable at di perpekto, upang mai-rate ang kalidad ng isang software team. Ang magandang bagay dito ay aabutin lamang ito ng 3 minuto. Sa dami ng oras na maiipon mo, makakapasok ka pa sa medical school.

Personal tools